Ang tagal ko nang hindi nagkaka-crush. Ewan ko ba kung crush talaga ito o feeling ko lang na kailangan ng excitement yung buhay ko dito sa kinalalagyan ko sa mundo.
Nung una naangasan ako sa kanya. Bagong salta ako sa grupong ito. Nag-attend ako ng training tapos bigla na lang siya nag-take over ng pag-discuss. Napataas ang kilay ko dahil bigla na lang siyang pumasok nun sa kwarto tapos nandun na siya sa harap bigla. Wala naman akong mapagtanungan kung sino siya dahil mag-isa lang ako nung pumunta sa session na iyon.
Fast forward, halos isang taon matapos yung insidenteng iyon. Naka-trabaho ko siya dahil sa isang proyekto na kunektado dun sa training na in-attendan ko nun. Isa pala siya sa mga head nun kaya bigla na lang siyang pumagitnang magsalita nun.
Di ko naman siya talaga naging kabatian sa inilagi ko sa grupo. Madalas yung kasama ko ang kinakausap niya kapag nagkakasalubong kami. Nung unang sabak ko sa project na ito, medyo inis pa rin ako sa kanya lalo na nung kinailagan ko siyang kausapin. Masyadong pa-cute yung dating niya sa akin. Pero ngayong nakakasama ko siyang madalas sa mga pulong, ganun pala talaga ang ugali niya. Palabiro at kala mo hindi seryoso. Yun pala ang paraan niya para maging kapalagayan ka niya ng loob. Maganda ang pakikitungo niya sa lahat at puro okey ang naririnig ko tungkol sa kanya.
E ngayon, makaka-trabaho ko pa siya lalo ng malapitan. Medyo na-conscious ako kasi napag-alaman ko na lang na wala yung isa pa naming kasama. Siya at ako lang pala ang mag-uusap. Hala sige, mag-feeling ba ang lola!
P.S. Be, wag ka magagalit. (^_^)
No comments:
Post a Comment